Ma-ulan na Maculot

Isa sa campsite sa Mt. Maculot
Nung isang linggo, nayaya akong mag Mt. Maculot. At dahil medyo matagal-tagal na rin akong di nakaka-akyat ng bundok pumayag na rin ako. Una medyo nag-a alangan ako kasi Mt. Maculot. Isa ata sa pinaka sikat na bundok na inaakyat sa Batangas, na-iisip ko di masyadong maganda at baka madumi paligid. Pero dahil mura lng naman at wala naman akong naka schedule nung weekend na yun, pumayag na rin ako.

Pagluluto sa loob ng tent
Madali lng pala magpunta dun, sakay lng kami ng Lemery na Bus sa Jam sa Buendia, na me pamasahe na 129 pesos per tao, yung nga lng yung aircon ng bus bumigay halfway kaya nag air cool n lng kami. Bumaba kami sa Cuenca, Batangas pagkalipas ng halos 4 na oras ng biyahe tas sumakay kami ng tricycle na worth 15 pesos per tao. Nakapag register pa kami ng 10 piso kada tao. Talagang mura lng pala mag climb diot kaya medyo madami ring nagpupunta.

Ham and Spicy tuna omelet
Medyo kumapit na ang dilim nung napunta kami sa jump-off kaya mukhang night trek tong pag akyat namin. Nung una ok lng sa akin, iniisip ko minor lng naman ito at madali. Matagal na rin kasi akong di nakakapag jogging. Pero inabot kami halos 2 oras din. Di ko akalain na hihingalin ulit ako dito. Maiksi lng ang trail pero puro pa-akyat din. Pero masasabi kong maganda rin sya, me lugar pa-akyat dun nakita mo night lights ng Batangas. Pagdating sa taas nakita ka rin ang tinatawag nilang “7-11″ store, and 24 hours pa sya! Talaga naman!

Dog-eat sobrang kanin world
Medyo me mga tao din dun, yung isang grupo pa nga nagdala ng portable dvd para manood sa taas. Kanya kanyang trip lng talaga. Pumwesto kami sa lugar papunta dun sa Rockies dahil maganda ang patag ng lupa dun. Nag set kami ng camp at pagkatapos eh nagluto kami (karamihan yung kasama ko) ng sinigang na super-sarap-asim pati yung latak ng sabaw ininom ko rin habang ako nag asikaso ng kanin na muntik pang di maluto dahil kaunti yata nalagay kong tubig, buti n lng at naihabol. Kung di ka sanay, merong mga matatalinong mga daga sa paligid na mukhang sanay na sa mga tao. Kaya tingin tingin ka sa paligid dahil mamya meron ka ng katabi na kumakain na di tao.

Maculot marker
Pagkatapos ng maikling kwentuhan, puro fog kasi at kakaunti lng ang mga bituin, natulog na lng kami. Nung mga madaling araw, malakas ang ulan, pati hangin buti n lng maganda at matibay (pati mahal) ang North Face na tent namin, habang yung ibang campo naririnig ko na bumabaha na, kami tuloy lng ang tulog. Hehehe.

Misty view along the rockies
Nung umaga deretso pa rin ang ulan kaya nag kwentuhan na lng kami muna sa tent ng kung anu-anong bagay sa ilalim ng langit habang gumagawa ng umagahan. Bago kami mag-impake, sinubukan ko ring silipin ang Rockies kaso puro fog naman. Cguro sa susunod na, madali lng naman mabalikan ito.
Nag-enjoy din ako sa akyat na to, challenging din pala kahit maiksi (kasi sumakit mga binti ko pagkalipas ng ilang araw). At natuwa naman ako sa mabuti kong kasama na nagluto ng mga pagkain.
Tags: Batangas, Climb, Cuenca, Mount Maculot







































August 24th, 2006 at 3:19 pm
lupet mo naman, nagka picture ka pa ng ganyang kaganda kahit maulan at maulap sa makulot!
fav na bundok ko yan kahit kalbo at masukal na ang trail at campsite. hehehe.
August 24th, 2006 at 7:15 pm
oo nga ang gaganda ng mga shots … at parang ang saya saya naman
August 24th, 2006 at 7:48 pm
2 hours climb? not bad. never pa kong nag-hike dyan sa pinas, but im thinking of mt pinatubo next time. been there?
August 24th, 2006 at 10:37 pm
@CRUISE: Salamat! Kahit kalbo at masukal, meron pa ring kagandahan yang lugar na yan.
@MELAI: Salamat! Masaya nga sya!
@ANALYSE: Yes, been to Pinatubo twice and it’s getting better! Pag me chance you should try it.
August 25th, 2006 at 8:35 am
Now, this looks like a great adventure!
August 25th, 2006 at 9:35 am
uy bro, buti naka-akyat ka na uli. oks naman sa maculot, un nga lang panay pa-assault yan. but the view lalo na from the rockies is awesome. at memorable ang bundok na yan sa akin kasi dyan nawala yung wallet ko pero by divine intervention, ang vice-governor pa ng cuenca ang nagbalik
thanks nga pala for dropping by. sana, magkita-kita tayo nila cruise one day sa akyat. keep the faith!
August 26th, 2006 at 1:10 pm
havent tried mountain climbing yet. hopefully in the near future.
August 27th, 2006 at 10:44 am
@SIDNEY: Yes it is!
@OGGIE: Hahaha! Galing naman at naibalik pa yung wallet mo! Onga puro ascent kaya medyo challenging. Yeah! Hopefully one of these days magkitakita tayo sa akyat.
@YMIR: I’m sure you’ll enjoy it too!
August 30th, 2006 at 5:07 pm
blessing in disguise na rin siguro na umulan, kasi sobrang init dun sa paahon hehehe! mukhang tiba-tiba yung aso sa mga tira ninyo ah!
August 31st, 2006 at 3:21 am
wow! this entry was written in Filipino.. nakakapanibago.
natawa naman ako dun sa “129 pamasahe per tao” mo.. kinda coÑotic ang dating..
as usual, captivating shots u have there. =)
September 1st, 2006 at 1:15 am
@Zielle: Hehehe! Minsan gusto ko ring mag tagalog, mukha bang coño? Thanks for the visit!
September 3rd, 2006 at 1:17 am
it’s refreshing and mildly surprising to read a tagalog post in your blog!
September 17th, 2006 at 1:27 am
interesting and nice shots!!
hopping from Cruise` site!
September 17th, 2006 at 3:14 pm
wow, at nakita mo na rin pala ang 7-11 convenient store sa taas.
ok ba maculot? kanya kanyang trip talaga jan!
September 17th, 2006 at 8:28 pm
[...] I never thought that I’ll be back in Mt. Maculot so soon. But since I promised an old climbing buddy I haven’t seen for some time that I’ll take him here after seeing my previous post on Mt. Maculot, I scheduled our climb. Thanks to Cruise for inviting me here the first time around, it greatly added to my logistics of the area. Same as what we did, we went on a night trek, but the fun came much later as 2 new friends were added to our list during our climb. [...]
September 17th, 2006 at 8:38 pm
Hi mmy-lei! salamat po sa pagbisita. Yes OK po ang Maculot. Kaya nabalik ako sa pangalawang pagkakataon. Hehehe check nyo po pinaka recent entry.
Hi Ghee-ghee! Thanks for dropping by!
September 17th, 2006 at 9:18 pm
you really had fun …great pictures there!