Nagsisisi

Lumilipat galing Web papuntang Print.
Tinanong ako ng Nanay ko nung isang araw “Di ka ba nagsisisi sa pag-alis mo sa dati mong trabaho?”. Di ko alam kung san nagmula yung tanong na yun. Dahil ba hindi ako kumikita ng kasing laki ng kita ko dati?
Ang desisyon ko sa pag alis sa trabaho ay totoong di biro. Malaking sugal ito para sa akin dahil nakataya ang aking seguridad at kabuhayan dito. Madaming tao ang naghahanap ng trabaho ngayon at di makakita, tas ako ay aalis sa trabaho.
Sana maintindihan ng tao na kung di ko ginawa ito ay baka pagsisihan ko pa at lagi kong isipin ang “Ano kaya kung ginawa ko na ito noon?”. Na gusto mo gawin ang mga bagay na nasisip mo ay di mo pa nagawa, mga bagay na gusto mo subukan. “Kailan pa?”, maghihintay ka pa ba ng panahon o magdadahilan na hindi mo nagagawa ang mga bagay na gusto gawin?
Mga isang buwan na kong wala sa trabaho. At masasabi kong di ako nagsisisi sa ginawa ko. At isang sasabihin ko ay di ako magsisisi dahil naibigay ko ang aking kaya. natutuwa naman ako dahil madaming mga opportunidad din naman ang dumating. Sa ngayon di naman malaki ang kinikita ko pero paunti unti ay nagagawa ko ang mga bagay na ngayon ko lng masusubukan gawin. Hindi ba’t ang tao ay apat tuloy tuloy na nag-aaral?
Sa ngayon ako ay natutuwa. Dahil madami ring mga pumapasok na mga trabaho o opportunidad na pwede kong kunin kahit di ako naghahanap. At nagpapasalamat naman ako sa Diyos ng ganyan dahil parang senyales na sa akin yun.
![]()


































October 19th, 2004 at 10:35 am
kung san ka masaya, eh di dun ka masaya
mahirap kung ipipilit mo sa sarili mo yung bagay na nde na nakakapagpasaya sayo, lalo pa’t pede at kaya mo namang gawan ng paraan
October 19th, 2004 at 2:23 pm
ey, FERDZ bro…salamat naman at ganyan ang naging reaksyon mo sa iyong desisyon, na wala kang pinagsisihan. yan ang tamang loobin at paninindigan…hindi nag-iiwan ng “guilt” sa sarili. follow your heart, ika nga. kung san ka masaya, dun ka.
ako, 17 yrs na ako sa trabaho ko…maraming nagtatanung..”ba’t di ka na lumipat?”. isa lang naman ang naisasagot ko…na ako’y masaya dito at di pa ako nauubusan ng challenges. pag nakaramdam na ako ng kabaligtaran noon, di rin ako magdadalawang-isip at aalis rin ako ng di lilingon sa likod.
tiyaga lang, bro…ang mga oportunidad, nasa paligid lang natin.
gud luck, ‘tol!
October 19th, 2004 at 8:30 pm
Metal: Salamat! Oo nga, kanya kanyang trip lng yan. Nagiging pasensyado lng ako ngayon. Lam ko sa umpisa di kaagad nakikita yung resulta pero natutuwa naman ako at merong mga taong na-aapreciate ang gawa ko kahit di ko kakilala at nag o-offer maki pag collaborate o trabaho. Salamat ng malaki
Mec: Musta na? Active ka pa ba sa MMS? Bat wala na atang open climb ngayon? Salamat at napadpad ka rito.
October 19th, 2004 at 9:48 pm
True that! mas ok yung enjoy ka sa ginagawa mo… napadaan lang
October 20th, 2004 at 12:24 am
your heart’s into it, it’s obvious. iba talaga ang pakiramdam na you’re a-l-i-v-e, living the life you choose, the way you want to.
i’m happy for ya.
October 20th, 2004 at 8:40 am
yikesw, kilala pa kita… mwah mwah
am trying to go back to climbing ulit but w/ the boondockers muna kasi MMS is busy biking eh… ayoko mag-bike!