Tent in the Rain

Isa sa campsite sa Mt. Maculot

Nung isang linggo, nayaya akong mag Mt. Maculot. At dahil medyo matagal-tagal na rin akong di nakaka-akyat ng bundok pumayag na rin ako. Una medyo nag-a alangan ako kasi Mt. Maculot. Isa ata sa pinaka sikat na bundok na inaakyat sa Batangas, na-iisip ko di masyadong maganda at baka madumi paligid. Pero dahil mura lng naman at wala naman akong naka schedule nung weekend na yun, pumayag na rin ako.

Pagluluto sa loob ng tent

Pagluluto sa loob ng tent

Madali lng pala magpunta dun, sakay lng kami ng Lemery na Bus sa Jam sa Buendia, na me pamasahe na 129 pesos per tao, yung nga lng yung aircon ng bus bumigay halfway kaya nag air cool n lng kami. Bumaba kami sa Cuenca, Batangas pagkalipas ng halos 4 na oras ng biyahe tas sumakay kami ng tricycle na worth 15 pesos per tao. Nakapag register pa kami ng 10 piso kada tao. Talagang mura lng pala mag climb diot kaya medyo madami ring nagpupunta.

Ham and omelet

Ham and Spicy tuna omelet

Medyo kumapit na ang dilim nung napunta kami sa jump-off kaya mukhang night trek tong pag akyat namin. Nung una ok lng sa akin, iniisip ko minor lng naman ito at madali. Matagal na rin kasi akong di nakakapag jogging. Pero inabot kami halos 2 oras din. Di ko akalain na hihingalin ulit ako dito. Maiksi lng ang trail pero puro pa-akyat din. Pero masasabi kong maganda rin sya, me lugar pa-akyat dun nakita mo night lights ng Batangas. Pagdating sa taas nakita ka rin ang tinatawag nilang “7-11” store, and 24 hours pa sya! Talaga naman!

Gutom na aso

Dog-eat sobrang kanin world

Medyo me mga tao din dun, yung isang grupo pa nga nagdala ng portable dvd para manood sa taas. Kanya kanyang trip lng talaga. Pumwesto kami sa lugar papunta dun sa Rockies dahil maganda ang patag ng lupa dun. Nag set kami ng camp at pagkatapos eh nagluto kami (karamihan yung kasama ko) ng sinigang na super-sarap-asim pati yung latak ng sabaw ininom ko rin habang ako nag asikaso ng kanin na muntik pang di maluto dahil kaunti yata nalagay kong tubig, buti n lng at naihabol. Kung di ka sanay, merong mga matatalinong mga daga sa paligid na mukhang sanay na sa mga tao. Kaya tingin tingin ka sa paligid dahil mamya meron ka ng katabi na kumakain na di tao.

Maculot Marker

Maculot marker

Pagkatapos ng maikling kwentuhan, puro fog kasi at kakaunti lng ang mga bituin, natulog na lng kami. Nung mga madaling araw, malakas ang ulan, pati hangin buti n lng maganda at matibay (pati mahal) ang North Face na tent namin, habang yung ibang campo naririnig ko na bumabaha na, kami tuloy lng ang tulog. Hehehe.

Misty view

Misty view along the rockies

Nung umaga deretso pa rin ang ulan kaya nag kwentuhan na lng kami muna sa tent ng kung anu-anong bagay sa ilalim ng langit habang gumagawa ng umagahan. Bago kami mag-impake, sinubukan ko ring silipin ang Rockies kaso puro fog naman. Cguro sa susunod na, madali lng naman mabalikan ito.

Nag-enjoy din ako sa akyat na to, challenging din pala kahit maiksi (kasi sumakit mga binti ko pagkalipas ng ilang araw). At natuwa naman ako sa mabuti kong kasama na nagluto ng mga pagkain.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>